Mitolohiya ng Griyego at Roma
Mitolohiya ng Roma - Romulus at Remus ROMULOS AT REMUS Sina Romulus at Remus ay ang maalamat na mga tagapagtatag ng Roma. Sa mitolohiyang Romano, sila ay kambal namagkapatid, na mga anak na lalaki nina Rhea Silva at ng diyos na si Marte. Si Romulus at Remus ay ang kambal na tagapagtatag ng Roma na nasa loob ng tradisyunal na mito ng pagtatatag nito, bagaman paminsan-minsang sinasabi na si Romulus lamang ang nag-iisang tagapagtatag ng Roma. Ang kanilang lolo sa ina ay si Numitor, ang karapat-dapat na hari ng Alba Longa, isang kaapu-apuhan ng prinsipeng Troyanong si Aeneas, at ama ni Rhea Silvia (nakikilala rin bilang Ilia). Bago sila ipaglihi, tinanggal ni Amulius (kapatid na lalaki ni Numitor) si Numitor mula sa kanyang tungkulin bilang hari. Pinatay din ni Amulius ang mga anak ni Numitor at pinuwersa si Rhea na maging isang Birheng Malinis (Birheng Banal), na may intensiyong ipagkait kay Numitor ang pagkakaroon ng makabatas na mga tagapagmanan at kung gayon ma...